Ang Kasaysayan ng Spirited Away

 

          Ang Spirited Away ay isang Japanese animated na pelikula na unang ipinalabas sa Japan noong taong 2001 sa ilalim ng produksyon at animasyon ng kompanyang Studio Ghibli. Isinulat at idinirekta ito ni Hayao Miyazaki at ipinamahagi sa Japan ng kompanyang Toho. Sina Rumi Hiiragi, Miyo Irino, Mari Natsuki, Takeshi Naito, Yasuko Sawaguchi, Tsunehiko Kamijo, Yumi Tamai, at si Bunta Sugawara ang ilan sa mga artistang nagboses ng mga pangunahing tauhan sa pelikula. Nagkaroon din ito ng Ingles na bersyon na ipinalabas noong 2002, isang taon pagkatapos ipinalabas ang orihinal, sa ilalim ng produksyon ng Walt Disney Pictures. Pinangasiwaan ni John Lasseter ang pagsalin ng wika ng pelikula sa Ingles, idinirekta ni Kirk Wise, at pinamahalaan ni Donald W. Ernst ang produksyon. Sina Daveigh Chase, Suzanne Pleshette, Jason Marsden, Susan Egan, David Ogden Stiers, Lauren Holly, Michael Chiklis, at si Bob Bergen ang ilan sa mga artistang nagboses naman ng mga pangunahing tauhan para sa Ingles na bersyon. Ang pelikula ang kauna-unahan at nag-iisang guhit-kamay na Japanese animated na pelikula na nanalo ng Academy Award para sa “Best Animated Feature”. Dahil dito, naging isa sa mga pinaka-unang sikat na Japanese anime sa labas ng Japan ang pelikula at nagbigay-daan para sa iba pang mga Japanese anime na makilala sa buong mundo. Hanggang ngayon, nangugnuna pa rin ang Spirited Away sa listahan ng “Top Grossing Films of All Time” sa Japan na isinusundan lamang ng Titanic.

          Tungkol ang pelikula sa isang babaeng sampung taong gulang may pangalang Chihiro na aksidenteng nakapunta sa mundo ng mga ispiritu. Pagkadating niya at ng kaniyang pamilya sa mundo ng mga ispiritu, biglang bagong-anyo at naging baboy ang mga magulang ni Chihiro. Natakdaan si Chihiro ligtasin ang kaniyang mga magulang upang makatakas at makabalik sa mundo ng mga buhay. Upang makahanap ng paraan para maligtas niya ang kaniyang mga magulang, nangailangan si Chihiro na magtrabaho sa isang bathhouse na para sa mga ispirutu, sa ilalim ng isang among mangkukulam na may pangalangang Yubaba. Bilang kontrata para makuha ni Chihiro ang trabaho sa bathhouse, kinuha ni Yubaba ang unang bahagi ng pangalan ni Chihiro at naging kilala nalang siya bilang si Sen. Kinulam niya rin si Chihiro na unti-unti niyang makakalimutan ang kaniyang totoong pangalan at kapag hindi na niya talaga maalala ito, magiging ispiritu siya at hindi na siya makakabalik sa mundo ng mga buhay.

 

Tagpuan: Mga tradisyonal na gusali at modernong imprastraktura

          Tignan muna natin ang mga gusali at imprastraktura sa pelikula upang matukoy ang lugar at panahon kung kalian ginanap ang kuwento. Makikita sa pelikula ang iba’t-ibang mga tradisyonal na gusaling Hapon. Ang arkitektura ng mga tradisyonal na gusaling Hapon ay karaniwang halos gawa sa kahoy, nakataas ng kaunti sa lupa ang kanilang sahig, at nakahilig ang kanto ng kanilang mga bubong.

Mula sa https://www.japan-guide.com/e/e2111.html

          Makikita rin sa pelikula (kaliwang larawan) ang impluwensiya ng industriyalisasyon sa kultura at tradisyon batay sa tubong linalabasan ng maitim na usok sa tabi ng tradisyonal na gusali.

          Sa loob ng mga tradisyonal na gusaling Hapon, madami kang makikitang mga sliding door (fusama) at mga nagagalaw na screen (shoji) na gawa sa papel at ginagamit upang hatiin ang mga kuwarto. 

Mula sa https://www.rethinktokyo.com/2017/12/12/6-elements-japanese-traditional-architecture/1513026009

          Batay sa mga estilo ng mga gusali sa pelikula, masasabi natin na ang tagpuan ng pelikula ay nakabatay sa Japan.

          Isang mahalagang bahagi sa pelikula ang eksena noong sumakay sina Chihiro sa tren papunta sa tahanan ng kambal na kapatid ni Yubaba. Katangi-tangi at kilalang-kilala ang mga tren sa Japan dahil sa kanilang kapuri-purian at mahusay na sistema. Nagbigay ng mahalagang kontribusyon ang kanilang mga tren patungo sa modernisasyon at pag-unlad ng ekonomiya sa Japan. Mayroon silang mga tren na pumupunta diretso sa kanilang mga probinsya at mayroon din silang komplikadong sistema ng mga tren na umiikot-ikot sa Tokyo, ang kanilang ulong-bayan. Noong 1872 ginawa ang unang tren sa Japan, subalit sa 1949 itinatag ang mas moderno at mas ginagamit nilang sistema ng mga tren hanggang ngayon na itinatawag nilang “Japanese Railway”. Mga mayayaman lamang ang karaniwan na pasehero noong unang itinatag ang Japanese Railway, ngunit mas naging bukas din ito sa mga pangkaraniwang tao noong 1970. Batay dito, maari na ginanap ang pelikulang ito sa panahong 1970’s hanggang kasalukuyan.

Mula sa http://factsanddetails.com/japan/cat23/sub153/item853.html

Estilo ng Animasyon

          Maari rin makita ang kasaysayan ng pelikula batay sa estilo ng kaniyang animasyon. Pinaghalong Hapon at Amerikano ang estilo ng sining at animasyon ng Spirited Away. Karaniwang inilalarawan ang mga tauhan ng mga Japanese anime na mayroong malaking ulo at mata, simpleng ilong at bibig, at makulay at kakaibang buhok habang mas sumusunod sa totoong buhay naman ang estilo ng mga American animation. Maaring kumuha ng inspirasyon si Hayao Miyazaki, ang direktor ng pelikula, sa estilo ng mga American animation sa paggawa ng mga tauhan para sa Spirited Away dahil mas nagustuhan niya ang makatotohanan na disenyo ng mga nito. Maari itong ituring bilang isang patunay at epekto ng globalisasyon sa paggawa ng pelikula.

Halimbawa ng Japanese animation                  Halimbawa ng American animation

Screen Shot 2018-09-04 at 10.33.21 PM

Ang protagonista sa Spirited Away

 

          Ang kahalagahan ng kultura at tradition sa lipunang patuloy na nagbabago patungo sa modernisasyon ang isa sa mga mensahe ng pelikula. Ilinigay-kilos ito ng mga mangguguhit dahil ginawa gamit lamang ang tradisyonal na guhit-kamay na pamamaraan ang buong animasyon ng pelikula sa panahon kung kailan madami sa mga animadong pelikula ay ginagawa na gamit ang mga computer editing software (Halimbawa: Toy Story). Sumasalimin ito sa panahon kung kailan hindi pa tinatanggap ng buo ng mga tao ang mga bagong teknolohiya.

 

Ang tema ng pelikula: konsumerismo at ang implikasyon nito sa identidad

          Sa buong pagdaloy ng pelikula, mayroon isang temang paulit-ulit na ipinapikita sa pamamaraan ng mga simbolismo – ang implikasyon ng higit na pagkonsumo at materialistikong perspektibo sa tradisyonal na identidad ng lipunan. Ipinakita sa simula ng pelikula ang isang halimbawa nito. Noong basta-basta lang kinain ng mga magulang ng protagonista ang mga pagkain na nakalatag sa lamesa ng walang permiso dahil sabi nila “mukhang masarap”. Nang sobrang dami na ang nakain nila, nagbagong-anyo sila at naging mga baboy – isang simbolo ng kapitalismo. Dahil sa kanilang literal na labis-labis na pagkonsumo, nakalimutan na nila ang kanilang sariling identidad at katungkulan bilang mga magulang. Nawala ang kanilang malay sa mundo at naging mga alipin sila ng konsumerismo.

          Maari nagmula ang mensaheng ito batay sa buhay ni Hayao Miyazaki, ang direktor ng pelikula, at ang perspektibo niya ukol sa pinagdaanang modernisasyon ng Japan. Ipinanganak si Hayao Miyazaki sa taong 1941. Dahil dito, naranasan niya ang “Economic Miracle” sa Japan. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pagdaigdig, nagkaroon ang Japan ng tinatawag nilang “Economic Miracle” na nagsimula sa taong 1945 at tumagal hanggang sa 1990 kung saan biglang tumaas ang ekonomiya ng Japan at nagkaroon ng 7.1% average annual rate ng GDP. Dahil sa biglang pagtaas ng ekonimiya, tumaas din ang konsumpsyon sa lipunan. Dumami at kumalat ang mga modernong produkto at serbisyo sa buong Japan. Nagdala ito ng takot sa mga tao na baka unti-unting nilang makalimutan ang kanilang mga kultura at tradisyon kapalit sa mga mas modernong mga produkto at serbisyo.

a04003en_fig01

                         Mula sa https://www.nippon.com/en/in-depth/a04003/

Konklusyon:

          Magandang bagay ang globalisasyon – nagbibigay siya ng mga pagkakataong umunlad at matuto mula sa mga kultura at tradisyon ng iba’t-ibang bansa, ngunit hindi dapat natin itong ituring bilang kapalit sa sarili kultura.  Sumasalamin ang kuwento ng Spirited Away sa panahon kung kalian malakas ang impluwensiya ng globalisasyon, industrialisasyon, at modernisasyon sa Japan. Masasabi natin na ginanap ang pelikula sa panahong 1980-2000 sa Japan dahil sa tagpuan ng kuwento at sa mga tradisyonal at modernong imprastraktura na makikita dito. Sinusuportahan ng “economic miracle”, na pinagdaanan ng Japan noong 1945 hanggang 1980, ang tema ng kuwento tungkol konsumpsyon. Ipinapakita naman ng estilo ng animasyon kung paano naapektuhan ng globalisasyon ang pelikula. Sa kabuuan, makikita sa kasaysayan ng pelikula ang laban ng Japan upang panatiliin ang kanilang kultura sa panahon ng pag-unlad at modernisasyon.

-Paolo Raphael M. Ramos, FIL12-O

 

Sanggunian:

Finn, Carey. “6 Elements of Japanese Traditional Architecture.” REthink Tokyo – Real Estate Information for Buyers and Investors. Williamsmedia. Published December 12, 2017. https://www.rethinktokyo.com/2017/12/12/6-elements-japanese-traditional-          architecture/1513026009.

“Hayao Miyazaki 1941–.” Reference for Business. Accessed September 6, 2018.     https://www.referenceforbusiness.com/biography/M-R/Miyazaki-Hayao-1941.html.

Hays, Jeffrey. “TRAINS IN JAPAN: HISTORY, ORGANIZATION, JR COMPANIES,            PROBLEMS AND ACCIDENTS.” Facts and Details. Last modified October 2012. http://factsanddetails.com/japan/cat23/sub153/item853.html.

“Japanese Architecture.” Japan-guide.com. 2011. Published August 15, 2013.         https://www.japan-guide.com/e/e2111.html.

Juliao, David. “Anime: History and Style.” Study.com. September 6, 2018. https://study.com/academy/lesson/anime-history-style.html.

ryo2488. “Spirited Away: over-Consumption and Environment.” Food and Foodies in Japan. Published October 29, 2013.            https://foodandfoodiesinjapan.wordpress.com/2013/10/28/spirited-away-over-         consumption-and-environment/.

Sanders, Adrien-Luc. “What’s The Difference Between Japanese and American       Animation?” Lifewire. Dotdash. Last modified August 29, 2017.             https://www.lifewire.com/japanese-vs-american-animation-141033.

Tetsuji, Okazaki. “Lessons from the Japanese Miracle: Building the Foundations for a New Growth Paradigm.” Nippon.com. Published March 15, 2018.          https://www.nippon.com/en/in-depth/a04003/.

“The Death of an Art Form.” SparkNotes. Barnes & Noble. Accessed September 6, 2018.   http://www.sparknotes.com/film/spiritedaway/section1/.